MALIGAYANG ARAW NG MGA NANAY DAY

Natuto ako ng RELIGION kay Mama:
“Kapag yang mantsa di natanggal,magdasal kana!”

Kay Mama natuto ng LOGIC:
“Kaya ganyan,dahil sinabi ko.”

At natuto pa ng MORE LOGIC:
“Kapag ikaw nalaglag dyan sa bubong,ako lang mag-isa mag-ja-Jolibee.”

Si Mama din ang nagturo sakin ng IRONY:
“SIGE!!,ngumalngal kapa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

Si Mama din ang nagpliwanag ng CONTORTIONISM:
“Tignan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo,tignan mo!!”

 

Gusto ko lang mag pasalamat para sa pag gising sa umaga, sa pag pla plantsa ng

long sleeves, slacks at kurbata. Sa pag luluto ng baon sa opisina. alam kong kahit

anung regalo bilhin ko kulang pa.

Ayun, at dahil araw nya ngayon, salamat sa lahat ng natutunan ko. Happy mother’s day din sa nanay mo.ü

Advertisements
Minarkahan , , , , ,

IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES

* Hindi ibig sabihin na nawala ako sa eksena ng halos isang buwan, eh GOODBYE na, minsan

kelangan lang ng pahinga, WE NEED A BREAK, WE NEED A KITKAT ika nga.

WHY NOT ENGLISH??

Warning: If there’s a chance for you to get offended by a bad grammar by any means,
PLEASE STOP READING THIS.

Why i dont blog in English? The reason is very simple, IM NOT GOOD IN IT, before I
spill lots of shit here let me put it this way, just consider that I intentionally
(EVEN I DONT) made this entry by putting some wrong grammar, wrong spelling and
beyond acceptable vocabulary. Dont get me wrong, I just want YOU smart people to
have something to watch out for. Now I can hear you fluent english bloggers shouting
for excitement to make fun of me, while developing that eagerness to drop some
comments below like :

“Eiw OMG did you take your ENGLISH class or you just spent the whole semester
peeking on your super hot professor’s micro mini skirt??” OR

“YOU STUPID MORON, you better kill your self for that kind of sentence construction”
(while raising your eyebrows).

I mean why we Filipinos always condemn others by the way they talk in ENGLISH? I mean
whats wrong with that?? We are FILIPINOS anyway. I dont have issues for some people
writing in ENGLISH, infact, I applause them for that, its just that I get offended
whenever I read someone using profanity just to condemn others for their NOT SO GOOD GRAMMAR.

So I’m asking this favor to everyone, please be nice to people like Me, if you find something
wrong in our sentences, why dont you guys say it in a good manner, in a nice way, LIKE

“I’m going to blow your god damn head off, you fucking rascal” PLEASE let me stress that,
be nice to us. 🙂

I dont understand but why we’re so so attached to English language, to the extent that we
measure someone’s intellectual capability by the way they talk, we look up too much to anyone
who speaks like real American, who pronounce number “THREE” with the sound off “TH”, not
the typical Filipino who says “TREE”

I think in some ways, life would be so much easier if atleast the constitution was’nt written
in English, in that way we dont have to browse all the way to the OLDEST DICTIONARY just to
understand whats going on in this Impeachment trial, I’m having this perception that court
precedings nowadays are not all about whos’s guilty or who’s not, it’s a battle of grammar,
wordplay and vocabulary. And that’s correct, to be agood lawyer? It would take lots of tissue
paper to wipe your nose off while it bleeds while hearing a case.

In todays life, most of us are struggling to be different, it becomes a trend of life to be
unique, these are the reasons why most of us are trying to complicate simple things, Like
COMMUNICATING.

Anyway, forgive me for talking too much bullshit up there, I wrote this because I read
something very alarming, and ofcourse as a concern citizen, I can’t just let this slip on
your awareness, I mean this is a national security issue, we’re talking millions of
innocent lives here. So let me share these, I read about this article that there’s an
insect that has the ability to count, yes this very alarming, probably most of you goes
like “WWOOOOOWWWWW BIG DEAL”. I’m talking about this article published in Germany, that according
to the recent studies conducted by the nerd scientists, they found out while they’re in deep state
of boredom that FLIES can actually count. Personally, I dont have problems with insects or FLIES,
thats why everytime they landed on my head I’m assuming that it is probably confused, it’s tiny
brain must be unaware and mistaken me for a stinking shit or some rotten flesh. If this is true,
there’s a bigger chance that FLIES is better than millions of students nowadays in terms of MATH.
I’m thinking what else these insects are hiding from us? and if this is true, I think I can assume
that FLIES can read. So I’m making these statement for all of those flies flying around right now,

“DEAR FLIES, I know your’re attracted to any stinking things, like decaying garbage, shit,
rotten dead and worst of all armpit of an Indian, thats why I’m wondering what are you doing on
top of the head of the person reading this right now??”

Minarkahan , , ,

GROWING UP

Kaliwa’t kanan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad dito sa Pinas, ayaw kong mag tunog reporter pero nakakabahala ang pagtaas ng bilang nito, pero mas nakaka bahala na wala tayong batas para maparusahan ang mga batang sangkot sa mga krimen.

Kaya naman gusto kong magbigay nang isang epektibong paraan, na siguradong makakatulong sa problemang ito.

Isang column ang lumabas sa pahayagan sa Amerika na isang batang babae ang walang pasintabi at hayagang sinabi sa tatay nya na “Daddy please dont sing” ang irony nito ay isang sikat na mang aawit ang tatay nya nuong dekada otsenta (1980’s) at kilala sa buong mundo, pwedeng ang ibang tao ay handang mag bayad ng malaki kapalit ng pag kanta nya, pero hindi para sa anak nyang nagdadalaga. Sa kabila nito naiintindihan ko ang bata. Dahil para sa mga nagbibinata at nag dadalaga , wala ng mas nakakahiya pa kesa sa pwedeng gawin at asal ng magulang.

Naalala ko dati, tuwing me mga PTA meeting sa eskwelahan, labis ang panalangin ko na sana, wag suotin ng tatay ko ang paborito nyang kulay orange na semi floral na polo shirt, uso naman yun nung panahon na yun sa mga kaidaran ni erpats, pero hindi para sa pananaw ko, pakiramdam ko, tutuksuin ako ng buong barkada na flower vase ang tatay ko. Pero hindi dininig ang panalangin ko, dumating si erpats na suot ang kinatatakutan ko, pag salubong ko sa gate ng eskwelahan nakita ko sya, nakatayo, bulaklakin ang damit, at pinapaligiran ng mga bubuyog at paru paru. Halos i-defy ko ang law of Physics dahil sa kahihiyan, nakita ko nalang ang sarili kong dahang dahang naglalahong parang water vapor at biglang nag materialize uli bilang tao sa layong dalawang milya mula sa kinatatayuan ni erpats at nakatakip ang muka ng dyaryo. Ewan ko kung napansin yun ng mga kaklase at barkada ko, malamang siguro busy din sila sa pag sambit ng panalangin at pagtatakip sa muka ng dyaryo.

Kaya sa lahat ng magulang na nakakabasa nito, kung ang anak nyo ay swail, pasaway at matigas ang ulo, wag nyo nang sayangin ang oras niyo para pag sabihan sila. Dahil taglay nyo ang kapangyarihang hiyain sila, gamitin nyo ito. Isipin mo nalang kung gagawin din ito sa hukuman.

Judge: Bata, ikaw ay napatunayang nag kasala ng hukumang ito, at hinahatulan ng pinakamabigat na sintensyang. . . .

Bata: HUWAAAAGG. WWAAAAG POO.

Judge: Oo, at iimbitahan namin ang Nanay at Tatay mo, na umakyat dito sa entablado ng korteng ito, sila ay kakanta ng mga awiting pinasikat ni YOYOY VILLAME at sasayaw ng TEACH ME HOW TO DOUGHIE sa harap ng lahat ng kakilala, kaibigan, crush at nililigawan mo. So ordered. (kasunod ang tatlong tunog ng pukpuk)

Bata: IKULONG NYO NALANG PO AKO, NAG MAMAKA AWA AKO, DI KO NA PO UULITIN. . .

Minarkahan , , , , , , , , , , ,

LITTLE BELIEFS

Tuwang tuwa ako sa mga elementary students na nakakasabay ko sa daan pag pasok sa opisina, nagtatakbuhan kami na parang nag lalaro ng mataya-taya sa pag uunahan sa pagsakay ng tricycle, (mahuli may balat sa pwet). Nagmamadali kami pareho, sila hinahabol yung flag ceremony, ako hinahabol ang alas otso. Syempre malabo akong manalo, mas matindi yung motivation nila kaya kailangan nilang maka una, na-a-alala ko yung ganung pakiramdam, bilang estudyante sa elementarya, mortal na kasalanan ang hindi maka attend sa FLAG CEREMONY, ituturing kang inutil ng buong faculty ng teachers association. Di ka makakapasok sa gate ng basta basta ng hindi dumadaan sa masusing imbestigasyon na parang suspect sa nawawalang pambura kung bakit ka late. Buti nalang nauuto ko yung mga gwardiya na nag kataon lang na mahirap sumakay, infact sapat na ibidensya na yung panis na laway at muta na nag madali talaga ako.

Isa din ako sa naniwala at nanampalataya na nanganganak yung KISSES. Ayun yung parang butil ng bigas na kulay rosas at mabango, ikinukulong sa kahon ng posporo na me bulak. Hindi biro ang pinagdadaanang paghihirap ng ng mga kisses sa kamay ng mga nag aastang komadronang elementary students, kung ang tao me kasabihang NASA HUKAY ANG ISANG PAA PAG NANGANGANAK, buong katawan naman para sa mga KISSES, isipin mo nalang na kailangan silang pitpitin at pagulungan ng lapis na parang pison, hanggang sa mahati at ituturing na anak nya yun. Di mahalaga sa mata ng mga elementary students kung lalaki o babae kang kisses, basta’t nagkaroon ng konting pag bukol sa hugis mo (dahil sa init sa loob ng kahon) asahan mo ng pagdating ng RECESS yun na yung kamatayan mo, at kelangan mong manganak sa ayaw mo’t sa gusto.

Kung lantaran man ang paglaki ng bilang ng child labor sa Pinas, mas tataas pa yun kung isasama mo ang mga elementary students na CLEANERS sa bawat araw, kung nag aral ka sa PUBLIC SCHOOL, normal na yung mag walis, magbunot at magpahid ng floor wax, kaya kung gagamitin mo ang COMMON SENSE ngayon, malalaman mong ito ang dahilan kung bakit amoy pawis ang mga elementary students.

Kung me iba pa man akong kinatatakutan nung elementarya, maliban sa mga teachers na sapilitang nag bebenta ng tsokolate, mani at titserya, yun ang mailista bilang NOISY. Mortal at walang kapatawaran na kasalanan yun, at kailangan mong pagbayaran ng mahal, gaya ng sampung palo sa kamay, kurot sa singit at pingot sa tenga. Kaya mas safe na gumawa nalang ng kapaki pakinabang na bagay na makakapag patalas ng kokote, gaya ng pag lalaro ng “S-O-S”. Isipin mo nalang na kung papalarin na maisama ang larong ito sa mga pang buong mundong patimpalak, posibleng tayong mga Pilipino ang kilalanin bilang isa sa mga pinaka mahuhusay, mag kakaroon na rin ng saysay ang mga nasayang na pahina nang notebook at papel.

Nakakamiss yung buhay elementarya, kung inlove ka, nasa F-L-A-M-E-S lang ang resulta, wala gaanong problema maliban sa kung anung babaunin mo sa umaga, sapat na dahilan na yung notebook na Catleya, lapis at pambura para maging masaya.

Minarkahan , , , , , , , , , , ,

HOME ALONG THE RAILWAY

TRIVIA: Daig ko pa ang mga migratory birds kung magpalipat lipat ng bahay.

Hindi isa, dalawa, tatlo, apat, lima, o anim na beses lang ako lumipat ng bahay kaya kung magaling ka sa logic alam mo na na pitong beses akong parang kriminal na pinaghahanap nang kinauukulan dahil sa kasong karumaldumal na pag patay at pang gagahasa sa isang menor de edad na pusa kaya kinakailangan kong mag papalit palit nang lungga.

Naranasan kong tumira sa squaters area (tabi ng riles), busina nang tren ang alarm clock sa umaga, sigawan at away nang mag asawang kapitbahay ang kape para di makatulog sa gabi. Masaya naman pero me mga downsides din.

SA RILES KO NATUTUNAN ANG ANATOMY na nakatulong sakin sa subject namin nung kumuha ako ng kursong nursing, sayang nga lang kasi dalawang taon lang ako at kinailangang mag shift nang course. Di man ako nakapasok sa operating room nang mga ospital kaya ko pa din i kwento nang buong buo kung anu ang eksaktong itsura nang laman loob nang tao, bituka, balun balunan, litid, isaw ng tao name it i dedescribe ko sayo. Naging libangan na namin ang manuod habang pinupulot isa isa na parang butil nang bigas yung laman loob ng tao na nasagasaan ng tren, bilang batang lumaki sa riles boring subject na yung pag da-disect nang palaka.

SA RILES KO NARANASAN ANG BUHAY SHOWBIZ kaya kinakailangan mong maging maingat sa bawat galaw, yung simpleng paghinga mo binabantayan ng mga tao INHALE EXHALE lang dapat kaya kung nagkataon na inuna mo ang pag buga sa pag singhot sa pag hinga asahan mong headline ka na ng mga chismosa.

NATUTO AKONG MAGBANAT NANG BUTO. .hindi pa man uso ang kampanya laban sa GLOBAL WARMING isa na ako sa mga unang kasapi sa kilusan, sa paraan nang pag pulot nang dyaryo, bote, bakal. “BASURERO” ang tawag nang ilan pero mas pinili naming bansagan kaming MOVEMENT ANTI GLOBAL WARMING para magkaroon nang konting saysay ang pag bibilad sa araw. Natigil lang yun nung nahuli ako ng ate ko na me bitbit na sako at sinumbong ako sa nanay ko. Sayang kasi kinailangang kong iwan yung sako para makipag unahan sa ate ko sa pag takbo para mag paliwang sa nanay ko, pero pinagalitan ako, hanggang ngayon abot langit padin ang panghihinayang ko dun sa sakong naiwan ko, halos isang kilo na yun sapat na yun para makabili nang bazooka buble gum at pom poms cheese curls.

Pitong taon na yung nakalipas kamusta na kaya sila. . . .

Minarkahan , , , , , , ,

FISH BE WITH YOU

Nasanay na sila ermats na di na ako kumakain pag dating galing sa opisina, kaya di ko sila masisisi

kung bakit ganun nalang yung pag ka bigla nila  nung nagtext ako,

AKO: “Nay, anu ulam? kakain ako”

ERMATS: “Isda pero isa nalang yun, ipagluto pa ba kita? sa labas ka nalang kumain.”

AKO: “Ok na yun, wag na fx na ko eh.”

Halos madapa ako sa pagmamadali, heksayted na ko kumain, di ko na maalala kelan

ako huling kumain ng isda pero sa mga oras na yun para akong PUSANG naglalaway

sa isda, kung bibigyan ako ng pagkakataon para mag post ng Facebook status sa

mga oras na yun ito lang yun : CRAVING FOR NEMO. . yum yum (insert smiley here). .

Pagdating sa bahay, lapit sa lamesa, dahan dahang binuksan ang platong nakatakip, medyo

pinikit ko pa yung mata ko para surprise, kasabay nang pag sambit nang I HATE SURPRISES

talaga (in deep bading na bading accent). .

 

Kaya ganun nalang yung pag agos nang luha ko, na sa tanya ko ay inabot nang dalawang patak sa

kanang mata at tatlo naman sa kaliwa. Nung ito yung datnan ko. . . .

  Pakiramdam ko parang di ko ata kayang kainin ang pinakamalaking isda sa kasaysayan nang Karagatang Pasipiko, na maaring salarin sa paglubog nang libo libong pang komersyong barko, na maari na sanang pakainin ang milyong milyong nagugutom sa Africa sa loob nang isang buwan.

KAYA TINATAWAGAN KO ANG ATENSYON NG GUINESS BOOK WORLD OF RECORD

NA KILALANIN AKONG TITLE HOLDER BILANG TAONG KUMAIN NG PINAKAMALAKING ISDA SA KASAYSAYAN NG MUNDO.

Siguradong  magiging proud nanaman sakin ang buong bansa, dahilan para mawala sa eksena ang asong si KABAL sa pag sagip sa bata, ituturing akong bayani at maaring magkaroon nang sariling estatwa sa iskinita nang tondo. Isang karangalan nanaman natin to bilang Pilipino. Sa bansa kung saan itinuturing na bayani ang mga mang aawit, boksingero, artista. EWAN KO pero naimpatso ata ako.

Minarkahan , , , , , , , ,

WEIGHT LOSS (SERIOUS APPROACH)

Masaya akong meron ng sayantipikong eksplenasyon kung bakit nadadagdagan ng timbang ang tao.

Inaamin kong wala akong healthy dietary habits, madalas na prito at matatabang pagkain ang kinakain ko. Pero wag mong isipin na pabaya ako sa katawan sinusubukan ko namang bumawi sa pamamagitan nang pag gawa nang matitinding exercise regimen gaya nang taos pusong pag buhat at pag taktak ng bote ng ketsup para gawing sawsawan at buong bilis na pagtetext na umaabot nang 50 words per minute.

Pero sa kabila nito napapansin kong patuloy parin ang pag taas ng timbang ko at maaaring ikaw rin. Pero di ka kailangang mag self pitty, ayun sa THE USBORNE BOOK OF FACTS AND LIST, ang kalawakan ang dapat sisihin, ayun sa research bawat araw, [kasama na ang mga legal holidays at mga araw na walang pasok dahil may bagyo] 25 tonelada ng Space dust ang nahuhulog dito mula sa kalawakan, ibig sabihin araw araw bumibigat ng dalawamput limang tonelada ang planetang ito, dahilan para mas lumakas ang gravitational pull na maaring dahilan nang pag bigat ng lahat nang bagay dito sa mundo gaya ng tao, presyo ng petrolyo at stick ng sigarilyo.

Pinatunayan nito ang teorya ni Albert Einstein na “LAW OF RELATIVITY” na habang tumatanda ang mundo mas mahihirapan tayong humanap ng magagandang bagay na ibabalita sa TV at sa RADYO.

Sa kalkulasyon ko sa taong 2038 kung mag papatuloy ang phenomenang ito di malayo na ang simpleng sepilyo ay tumimbang na kasing bigat ng bloke ng semento at ang pamasahe sa jeep ay maging katumbas ng pasahe sa eroplano.

Kung mag kaka isa ang mga Pilipino maaring magawan natin ng remedyo ang problemang ito, sa pamamagitan ng pag babawas ng 25 toneladang bigat araw araw. Pwede tayong mag rally sa EDSA para hilingin sa gobyerno na gumawa ng rocket launching site na pwede nating isakay ang ilang mga bagay na wala namang silbi pabalik sa kalawakan, gaya ng mga flyers na inaabot nalang basta basta sa mall at kalsada na 99% ng mga tumatanggap eh tinatapon din agad sa basura, leaflets, tarpaulin ng mga pulitiko at nakakatuwang isipin na kung lumampas pa ng 25 tonelada ang maitatapon natin sa kalawakan araw araw maaring gumaan pa ng 6 ounce ang timbang ng lahat ng tao yan eh kung isasama natin ang mga buwaya at corrupt sa gobyerno.

Minarkahan , , , , , , , , , , ,

NO SMOKING

* matunog na matunog ngayon ang usap usapan sa Department of health tungkol sa pag papa lawak ng kampanya laban sa paninigarilyo. 🙂

* “HINDI NA AKO MAG YOYOSI” ito ang panata na 5 araw ko ng tinutupad. Medyo mahirap nga talaga talikuran ang isang habit na matagal mo nang ginagawa. Biglang sumabit sa matalas kong memorya ang sinabi ng isang lasenggero sa amin dati na itatago ko sa pangalang Leandro D. Perez. Hehe!! sabi nya ang “bisyo ay bagay na madaling pasukin pero mahirap labasan”. Akala ko dati nang tri trip lang sya o kaya ay sinapian lang ng isang makatang engkanto, hindi pala. Totoo nga hindi nga ganun kadali. :c

* madaming beses na din akong sumubok tumigil, hindi ko na matandaan kung ilang beses. Dati tumigil ako, inabot lang ng tatlong araw bumigay nanaman ako, paulit ulit lang titigil ako ngayon, bukas yosi nanaman. TIGIL-YOSI-TIGIL-YOSI dun lang umikot ang lahat.

* Dati akala ko, pag tumigil ka ok na, akala ko ABSWELTO ka na sa mga badtrip sa pagyoyosi hindi pa pala, hindi ko alam na kailangan mo pa palang daanan ang huling hamon. Ang exit challenge, “WITHDRAWAL SYMPT0MS”. Hindi ko alam na meron pa palang ibang ibig sabihin ang Withdrawal na nakamulatan ko. Maliban sa withdrawal method na naririnig ko sa mga tsismisan at hindi ko pa na try promise. Hehe me withdrawal symptoms pala, ito yung mga pagsubok para sa akin na kailangang daanan. Mga anxiety na kelangan mong malagpasan. Ito ang mga withdrawal symptoms na mararamdaman mo based on experience pag tumigil ka sa pagyoyosi.

WITHDRAWAL SYMPT0MS
1. makakaramdam ka ng pagkahilo.
2. magiging magugutumin ka.
3. madalas kang mauuhaw.
4. madali kang mairita sa mga tao sa paligid mo.
5. magiging antukin ka.
6. manghihina ka, na parang wala sa mood.

* hindi pa kasama dyan ang pag lalaway mo pag naaalala mo ang ala-ala ng samahan ninyo ng stick ng sigarilo na lage mung kasama pagkatapoz kumain, pag tumatae, pag tumotoma, pag boring, at pag badtrip

* kung bakit ako nagyosi?? Di ko alam, wala naman akong matandaan o kahit anong maisip na malalim na dahilan para sumubok ng isang bagay na papatay sa akin balang araw, basta dati gusto ko lang maging COOL.

* gaya ng ibang kabataang nalulong sa sigarilyo. Sigurado ako syento porsiento ito lang ang mababaw na dahilan kung bakit sila sumusubok. Dahil karaniwan na sa mga kabataan lalo na sa highschool ang depinasyon ng pagiging cool ay nag lalaro sa mga sumusunod.

C0OL CHECKLIST!!
1. Cool ka pag astig ka sa campus.
2. Cool ka pag nakaka kikil ka sa mga estudyante.
3. Cool ka kung kaya mung walang hiyain ang titser mo nang hindi nakakapalag.
4. Cool ka kung palage kang nag cu cutting class.
5. Cool ka kung barumbado ka.
6. Cool ka kung kaya mong tumungga ng emperador.
7. Cool ka kung ikaw ang pinaka swail sa klase
8. Cool ka kung nagyoyosi ka sa kubeta kasama ang ibang mga kaklase.

* ganun na nga. Ganun ang mentality ng mga kawawang kabataan. Panu ko nalaman?? Galing ako don kahapon.

* bakit ako tumigil?? di ko ulit alam. Basta sabi nga ng kantang circle na hindi ko sasabihin kung sinung kumanta “i quit i give up” hehe!! Basta ayoko na.. Hindi ko na hihintayin na mapasama ako sa pictorial na ilalagay sa mga kaha ng sigarilyo na pinapanukala ng DOH.

Simple lang naman ang teknik kung gusto mo talikuran ang yosi, di mo kailangang baguhin ang mga routine ng takbo ng buhay mo. Di mo kailangang umiwas sa mga tropa mong naninigarilyo di tulad ng advise sa google, di mo kailangan mag mukmuk sa kwarto para malayo sa posibilidad na matukso na manigarilyo. Simple lang pang hawakan mo lang at panindigan ang panatang “HINDI NA AKO MAGYOYOSI” 🙂

Minarkahan , , , , ,

EPIC VALENTINES

Pwede mo akong sisihin, sumbatan para sa ilang libong bulaklak na nagbuwis ng buhay at di naimbenta, nilangaw lang at natuyo. DAHIL HINDI AKO BUMILI.

Pero para sa kaalaman ng milyong milyong bubuyog na nag tyaga para sa proseso ng Pollination upang tumubo ang mga bulaklak mag papaliwanag ako. . .

PLAN A: Prospect ko na talaga na bulaklak ang ibibigay ko ke BEAR [endearment]. Gusto ko lang i personalize sana para mag mukang punong puno ng pag ibig yung tumpok ng bulaklak na ibibigay ko. Sinubukan kong mamitas ng ilang damung ligaw, makahiya, sanga ng ipil ipil, bunga ng Aratelis na sumisimbolo sana sa dami ng dahilan para mahalin ko sya, at bulaklak nang Gumamela na sumisimbolo sa wagas na pag mamahal, pero huli na ang lahat nung nalaman ko na me estupidong pumitas nung tatlong bulaklak nang Gumamela sa bakuran nila Aling Azon.

PLAN B: Sinubukan ko ring umorder nalang sa flower boutique, pero naisip ko parang sobrang dali nun para sakin, parang walang saysay, atsaka iniiwasan kong mag mukang altar o kaya naman mag mukang puntod ng patay habang bitbit bitbit ko yung mga bulaklak.

PLAN C: Gahol na ko sa oras wala pa rin akong regalo, hapon na pero wala pang laman yung tiyan ko, sugod sa Mall dito sa Ayala wala akong ideya kung san ako mag sisimula, sinadya kong ipag paliban ang pag kain gusto kong gawing sagrado yung pag reregalo samahan ng konting sakripisyo, gumawa ako ng firm commitment sa sarili ko na hindi ako kakain hanggat walang nabibiling regalo.

Pumasok ako sa tindahan ng damit na halos puro pambabae ang produkto nag hahanap ako ng damit na me bulaklak, paikot ikot ako halos tatlong oras akong parang turumpo wala parin akong nabibili pakiramdam ko nasa ibang planeta ako, ignorante ako sa pagpili ng damit na pang babae, ayun na siguro yung pinaka mahirap na misyon na ginawa ko, pagkatapos ng sampung balik sa fitting room. Nakabili rin ako, medyo nag alangan pa ko kung ibibigay ko pa yung damit pakiramdam ko kasi mas bagay yun sakin, balak ko syang iterno dun sa mini skirt ko na di na nagagamit.

Hindi pa natapos dun parang kulang yung damit kelangan ko pa ng hindi isa kundi dalawa pang regalo. So 1+2=3 [paki double check nalang mahina ako sa Math] sugod sa tindahan ng chocolate bumili agad ng dalawa, isang hugis puso at isang malaking hugis tabla, matakaw si Bear sa tsokolate kaya dinamihan ko talaga para mag tae sya at madala. Para sa susunod na Valentines damit nalang solve na sya hehehe [insert evil smile here]. .

HAPPY VALENTINES SA INYO. . .

Minarkahan , ,