FISH BE WITH YOU

Nasanay na sila ermats na di na ako kumakain pag dating galing sa opisina, kaya di ko sila masisisi

kung bakit ganun nalang yung pag ka bigla nila  nung nagtext ako,

AKO: “Nay, anu ulam? kakain ako”

ERMATS: “Isda pero isa nalang yun, ipagluto pa ba kita? sa labas ka nalang kumain.”

AKO: “Ok na yun, wag na fx na ko eh.”

Halos madapa ako sa pagmamadali, heksayted na ko kumain, di ko na maalala kelan

ako huling kumain ng isda pero sa mga oras na yun para akong PUSANG naglalaway

sa isda, kung bibigyan ako ng pagkakataon para mag post ng Facebook status sa

mga oras na yun ito lang yun : CRAVING FOR NEMO. . yum yum (insert smiley here). .

Pagdating sa bahay, lapit sa lamesa, dahan dahang binuksan ang platong nakatakip, medyo

pinikit ko pa yung mata ko para surprise, kasabay nang pag sambit nang I HATE SURPRISES

talaga (in deep bading na bading accent). .

 

Kaya ganun nalang yung pag agos nang luha ko, na sa tanya ko ay inabot nang dalawang patak sa

kanang mata at tatlo naman sa kaliwa. Nung ito yung datnan ko. . . .

  Pakiramdam ko parang di ko ata kayang kainin ang pinakamalaking isda sa kasaysayan nang Karagatang Pasipiko, na maaring salarin sa paglubog nang libo libong pang komersyong barko, na maari na sanang pakainin ang milyong milyong nagugutom sa Africa sa loob nang isang buwan.

KAYA TINATAWAGAN KO ANG ATENSYON NG GUINESS BOOK WORLD OF RECORD

NA KILALANIN AKONG TITLE HOLDER BILANG TAONG KUMAIN NG PINAKAMALAKING ISDA SA KASAYSAYAN NG MUNDO.

Siguradong  magiging proud nanaman sakin ang buong bansa, dahilan para mawala sa eksena ang asong si KABAL sa pag sagip sa bata, ituturing akong bayani at maaring magkaroon nang sariling estatwa sa iskinita nang tondo. Isang karangalan nanaman natin to bilang Pilipino. Sa bansa kung saan itinuturing na bayani ang mga mang aawit, boksingero, artista. EWAN KO pero naimpatso ata ako.

Minarkahan , , , , , , , ,

16 thoughts on “FISH BE WITH YOU

  1. mommynienzo30 ay nagsasabing:

    Kapag naitayo na yunf istatwa mo sa iskinita ng tondo, pupuntahan ko at magpapalitrato. Mapalad ka at napagkalooban ng pagkakataong makakain ng ganyang uri ng isda. Lubos ang inggit ko! ;p

  2. mommynienzo30 ay nagsasabing:

    No thanks , I’m full. Haha.

  3. bubumaelou ay nagsasabing:

    ANG LAKI NUNG ISDA!!! O.O

  4. arteeestako ay nagsasabing:

    hahaha napawi ba ng malaking isda ang gustom mo? lolz….

  5. zezil ay nagsasabing:

    Ang dami kong tawa dito! (mga apat at kalahati).

    Alam ko yung feeling na ganun e, naglalaway na sa gutom.Haha
    Dati, sobrang excited ako humigop ng sabaw (gutom ako e, baket ba?), tinaob ko na yung kutsara e wala pa pala sa bunganga ko, nabasa tuloy yung baba ko. haha. Sarap kumainnnnnn!!!:D

    Well, buti naman at naawa ka dun sa isda:D Fish be with you!

    • buhaylibro ay nagsasabing:

      HAHA, di pa tayo nag kikita sa sakyan ng bus, minsan tuloy tinitignan ko yung mga kaagawan ko sa sakayan na baka ikaw yun. haha.

      TRIVIA: Ginagawa kong libangan yung blog mo pag trip ko pumetiks dito sa opsina, binabasa ko sya pa onti onti. haha at me kasama pang promotion sa mga ka opismate ko na basahin nila blog mo. I think kelangan mo ko bayaran sa advertisement at promotion. haha

      • zezil ay nagsasabing:

        Most probably, ako yung laging naiiwan. Ang rarahas kasi nung mga sumasakay, tipong, wow a, excited ka sa bus??? O sayo na, SAYO NA! Haha.

        Wow. Salamat salamat! Sige ba! Bayaran kita ng….wait for it….FISH! Hehe. No seriously, thank you for reading my posts! Nag aantay ako ng posts mo kaso busy ka ata sa work much. Pakisabi sa officemates, ISANG MALAKING “HULLO!” at “SALAMAT PO!”. 😀

      • buhaylibro ay nagsasabing:

        Haha, kaya nga excited ako makasabay ka, basta pag me tumulak sayo at tumilapon ka dun sa kabilang lane for sure ako yun, Hahaha, Busy nga, mag susulat at magsusulat din naman pag me time, pero mas nag eenjoy ako basahin yung mga posts mo eh, natutuwa ako sa mga banat mo. Haha cute na me sense of humor na parang inosente ek ek ek.

      • zezil ay nagsasabing:

        Ikaw palang nag describe ng ganun sakin a. “ek ek ek”. Haha. Natawa ako!

        Sige, pag nakasabay talaga kita (cross fingers and sige na nga, toes narin!) bibilhan kita ng kape. 🙂

      • buhaylibro ay nagsasabing:

        Pano yan eh di na nag se served yun Jobee ng brewed coffee pag hapon, anyway ok lang kahit 3 in 1 coffee sa jolyjeep nalang haha :p

      • zezil ay nagsasabing:

        OMG you love their coffee too? Hahaha.
        Jolly jeep? Baka isipin mo, kuripot ako…7/11 coffee naman. Lol.

      • buhaylibro ay nagsasabing:

        Ok lang pero I’m a fan of JollyJeep coffee, haha madalas ako dun sa likod ng Head Office ng BPI, haha :p

      • zezil ay nagsasabing:

        Ay ang layo! Di kita mababangga. :B

Mag-iwan ng puna